TO MY ONE and ONLY FROM PALAWAN

To my one and only from Palawan...

Nagsimula sa isang katagang “Valar Morghulis”
Di ko inasahan doon magsisimula ang pag-uusap na walang mintis.
Kahit  sa  pagsagot sa mga mensahe mo ay di ko matiis
Ang atensyon ko sayo’y kailanman di na malilihis

Ako’y iyong nabihag sa mga harana mong nais kong maaninag.
Pangarap kitang makasama sa ilalim ng buwan at kanyang sinag.

Tila isang mainit na hangin ang bumalot sa aking dibdib tuwing ang tawag mo ay aking naririnig.
Ang puso kong dating malamig, ngayon ay naliligalig
Nakikilala agad ang boses mong kapana-panabik.
Nalililyo sa mga bagong pakiramdam at niyayanig

Kapag kausap ka ay pakiramdam ko ang gaan gaan
Biyaya ka ng Maykapal na pinasasalamat ko magpakailanpaman.


Pikit-matang nagbibilang ng oras gabi-gabi upang makita ang iyong mensahe muli
Dalangin ko ay di ka mag sawa sa akin hanggang sa huli.


Hinawi mo ang kalungkutan kong nadarama sa bawat araw na natitira
Binigyan mo ng kulay at buhay ang mundo kong kakaiba.

Kahit di tayo magkasama, hangad ko na palagi kang masaya.
Sa mga kuwento at atensyon mo sapat na ang aking ligaya.

Kahit hindi nasilayan ng aking mga mata.
Maramdaman mo sana ang puso ko ay totoo at dakila at dito ika’y nag-iisa.

Kung sakali ay hindi para sa isa’t-isa
At makilala mo ang taong sayo ay nag-iisa
Handa ako magparaya para sa iyong kasiyahan
Dahil ang tanging hangad ko ay iyong kaligayahan.

Sa mundo na puno ng pighati
Tila isa itong panaginip.
Mga lungkot at lumbay na aking naranasan
Sa mga tawag mo ito ay napapawi.


P.S: i wrote this a year ago when someone in Palawan swept me off my feet. Fortunately, God loves me that it didn't prosper because he was not the right one. I won't spill out the details because it was not worth it. 😅

Lesson: So girls, before you commit and say "I love you" make sure he is someone you've been praying for. ☺️ You will know it when everything seems a breeze and light when you're with your person. A person whom you won't think twice and you can't think anyone to plan your future with. A person who have the same goals and supports your life plan without any selfishness. A person you will feel ordained by God to you. 



Comments

Post a Comment

Popular Posts