TO MY ONE and ONLY FROM PALAWAN
To my one and only from Palawan... Nagsimula sa isang katagang “Valar Morghulis” Di ko inasahan doon magsisimula ang pag-uusap na walang mintis. Kahit sa pagsagot sa mga mensahe mo ay di ko matiis Ang atensyon ko sayo’y kailanman di na malilihis Ako’y iyong nabihag sa mga harana mong nais kong maaninag. Pangarap kitang makasama sa ilalim ng buwan at kanyang sinag. Tila isang mainit na hangin ang bumalot sa aking dibdib tuwing ang tawag mo ay aking naririnig. Ang puso kong dating malamig, ngayon ay naliligalig Nakikilala agad ang boses mong kapana-panabik. Nalililyo sa mga bagong pakiramdam at niyayanig Kapag kausap ka ay pakiramdam ko ang gaan gaan Biyaya ka ng Maykapal na pinasasalamat ko magpakailanpaman. Pikit-matang nagbibilang ng oras gabi-gabi upang makita ang iyong mensahe muli Dalangin ko ay di ka mag sawa sa akin hanggang sa huli. Hinawi mo ang kalungkutan kong nadarama sa bawat araw na natitira Binigyan mo ng kulay a...